RESOLUSYONG MAGBABAWAL SA PAGKASANGKOT SA PAGSANGLA NG MGA CASH CARD NG 4PS BENEFICIARIES SA BAYAMBANG, PINAGTIBAY

Pinagtibay ng Sangguniang bayan ng Bayambang ang resolusyon na naglalayon na mabigyan ng proteksyon ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps laban sa pagsasangla ng kanilang mga cash cards.

Nakasaad sa Resolution No. 198 ang pagbabawal sa indibidwal, grupo o establisyimento na masangkot sa pagsangla ng may kinalaman sa 4Ps cash cards, identification cards, at oath of commitment.

Haharap sa karampatang multa ang sino man lalabag sa naturang resolusyon.

Ayon na rin sa kumpirmasyon ng DSWD na mayroong mga report kung saan ginagamit umano ng ilan sa mga benepisyaryo ng 4Ps ang kanilan gmga cash cards, identification cards, at oath of commitment para makapangutang at iba pang transaksyon.

Ang natura umanong iligal na gawain ay sumisira sa layunin ng programa at patuloy na nilulubog ang mga benepisyaryo sa pagkakautang at pagdepende.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na maipatutupad ang mga nararapat na parusa ayon na rin sa naturang ordinansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments