Resorts World Manila, inaming nagkulang sila sa seguridad sa nangyaring pag-atake ng isang gunman

158

Manila, Philippines – Inamin ang pamunuan ng Resorts World Manila na nagkulang sila sa seguridad sa nangyaring atake noong Biyernes.

Pero ayon kay RWM President Kingson Sian – hindi sila nagkulang sa pagtugon sa insidente.


Dagdag pa ni Sian – gumagana ang kanilang sprinkler system at maayos din ang kanilang evacuation sa mga guest.

Sapat din aniya ang kanilang fire exits sa casino.

Dinipensahan din ni Sian ang CCTV footage kung saan makikitang tumakbo ang isang armadong security nang makasalubong ang gunman na si Jessie Carlos.

Aminado ang pamunuan ng RWM hindi nito na-monitor ang lokasyon ng mga nasawi dahil sa kapal ng usok na tumakip sa mga CCTV.




Karamihan sa mga biktima ay natakot lumabas dahil sa naririnig na putukan kaya na-suffocate.

Sinabi naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, C/Supt. Oscar Albayalde – hindi sila agad naabisuhan ng casino-hotel sa pangyayari.

Ayon naman kay Supt. Voltaire Salud, nag-autopsy sa bangkay ng suspek – iisa lamang ang tama ng bala ng suspek at ito ang nagbaril sa kanyang sarili.

Samantala, kinumpirma naman ng NCRPO na nagtugma ang DNA sample ng sunog na bangkay na natagpuan sa casino-hotel sa ama nito.
DZXL558

Facebook Comments