Restaurant kung saan ginanap ang birthday party ni Raymond Gutierrez, ipinasara ng Taguig Government

452

Ipinasara ng Lokal na Pamahalaan ng Taguig City ang restaurant kung saan ginanap ang birthday party ng celebrity na si Raymond Gutierrez sa harap ng COVID-19 pandemic.

Nabatid na nag-viral ang mga litrato kung saan ang mga panauhin sa event ay walang suot na face masks at hindi sinusunod ang social distancing.


Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang negatibong resulta sa test ay hindi makatwiran para gawin ang mga ganitong pagtitipon.

Nagsagawa na ng test sa lahat ng personnal ng restaurant maging ang mga kapitbahay nito.

Papanagutin nila ang restaurant habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Facebook Comments