Resto bar sa Tomas Morato, ipinasara ng QC LGU

66

Ipinasara ng Quezon City Local Government Unit (LGU) ang resto bar sa Tomas Morato, Quezon City na may hinuling 90 katao na nag-party.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, inilalagay ng operator sa panganib ang buhay ng mga customer at iba pang mga residente.

Nagbabala ang lady mayor sa mga restobars, night clubs at karaoke bars na nago-operate ngayong General Community Quarantine (GCQ) na panatilihin ang minimum health standards dahil ang pag-inom sa publiko ay isa sa mga rason sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ani Belmonte, bagamat nais nilang muling buhayin ang ekonomiya sa lungsod, hindi maaaring isantabi ang mga isyung pangkalusugan na maaaring makaapekto sa karamihan.

Facebook Comments