Resulta ng 2016 bar examinations, posibleng ilabas na bago ang mahal na araw

161
Manila, Philippines – Posibleng ilabas na ng Korte Suprema ang resulta ng 2016 bar examinations bago ang mahal na araw.
 
Ayon sa ulat, ito ang naging pahayag ni Associate Justice Presbitero Velasco Jr. sa Supreme Court En Banc.
 
Pagtaya rin ni Velasco, aabot sa 40% o mahigit sa 200,000 mga bar examiners ang nakapasa.
 
Isinagawa ang 2016 bar examinations noong Nobyembre ng nakaraang taon sa Unibersidad De Santo Tomas (UST) kung saan umabot sa mahigit 6,800 ang kumuha ng pagsusulit.
 

Facebook Comments