
18 ang mga senator-judges ang bomoto na ibalik sa Kamara ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte at 5 ang komontra.
Pero giit ni Batangas Representative Gerville Luistro na isa sa 11 miyembro ng house presecution team, hindi pa ito sumasalamin sa magiging boto ng mga senador-judge sa impeachment case ni VP Sara.
Katwiran ni Luistro, hindi pa naisasagawa ang impeachment trial kaya hindi pa rin nakakakapag presenta ng mga ebidensya ang prosecutors na syang dapat pagbatayan ng desisyon ng mga senador-judge.
Bunsod nito ay iginiit ni Luistro na kailangan talagang masunod ang utos ng Konstitusyon ukol sa impeachment proceedings at ang mandato nito sa impeachment court na litisin si VP Duterte upang sila ay makapagpasya.
Facebook Comments