Resulta ng exam ng mga mag-aaral, gagamiting basehan sa performance review ng mga guro — PBBM

Pursigido si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, isa sa mga paraan na maitaas ang kalidad ng edukasyon ay tiyakin na natututo ang mga pumapasang estudyante.

Ang nangyayari kasi aniya ngayon ay basta na lamang pumapasa ang mga mag-aaral kahit hindi marunong magbasa dahil sa performance audit sa mga guro tuwing katapusan ng school year.

Kaya sabi ng pangulo, gagamitin nang batayan ang resulta ng mga pagsusulit ng mga mag-aaral para sa performance review ng mga guro sa halip na percentage ng pasado o bagsak sa klase.

Giit ng pangulo, sa ganitong paraan aniya ay tataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa lalo’t may mga pag-aaral na kulelat ang Pilipinas pagdating sa math, science, at reading comprehension.

Facebook Comments