Resulta ng imbestigasyon, mainam na hintayin bago husgahan ang PNP-PDEA “misencounter”

74

Hinikayat ni Senator Christopher “Bong” Go ang lahat na hintayin na lang ang resulta ng gagawing imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa halip na magbigay ng komento at iba’t ibang anggulo sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga pulis at tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Quezon City.

Paliwanag ni Go, sa pamamagitan ng imbestigasyon ay malalaman ang katotohanan sa nangyari na daan sa paglalatag ng nararapat na hakbang para hindi na ito maulit muli.


Ayon kay Go, nagdurugo ang puso nila ni Pangulong Duterte sa nangyari na sa halip ang mga drug lords at dealer ng ilegal na droga ay ang mga pulis at PDEA pa ang nagbarilan at bumulagta sa isang engkwentro.

Facebook Comments