Resulta ng imbestigasyon ng NBI kay VP Sara Duterte, posible sanang naiba kung dumalo sa imbestigasyon ang pangalawang pangulo

Iginiit ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na naiba sana ang resulta ng kanilang imbestigasyon kay Vice President Sara Duterte kung nagpaunlak ito sa kanilang imbitasyon.

Partikular ang dalawang subpoena ng NBI na hindi sinipot ng pangalawang pangulo.

Iginiit din ni Santiago na masusi nilang pinag-aralan ang kaso ni VP Sara bago nila inirekomenda sa DOJ ang pagsasampa ng mga reklamong inciting to sedition at grave threats.


Bukod din aniya sa kanya, limang abogado ang tumulong sa pagbusisi sa kaso.

Kumuha rin aniya sila ng iba pang basehan sa mga naging pahayag ng mga nakadalo sa online presser tulad ng mga vloggers at ibat ibang media personalities.

Facebook Comments