Resulta ng mga aplikasyon para sa Sr High School Program, ilalabas ngayong araw

95

Ilalabas ngayong araw ng Department of Education (DepEd) ang resulta ng application para sa Senior High School Voucher Program.

Ayon sa DepEd, maaaring makita ang resulta sa kanilang website na ovap.peac.gov.ph.


Para sa mga kwalipikadong benepisyaryo, pwedeng i-download ang voucher certificates at gamitin para i-subsidize ang tuition sa mga paaralang nag-aalok ng senior high school.

Una nang humingi ng paumanhin ang DepEd dahil sa pagkakaantala ng proseso ng aplikasyon bunsod ng pagkakabinbin ng 2019 National Budget.

Facebook Comments

From Advertisers