Resulta sa isinagawang imbestigasyon sa pinagmulan ng COVID-19, isasapubliko na ng WHO

502

Isasapubliko na ng World Health Organization (WHO) ang lumabas sa resulta sa isinagawang international investigation sa pinagmulan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na nagsimula sa Wuhan, China.

Ito’y matapos magtungo ang grupo ng mga eksperto sa China para pag-aralan kung saan nagmula ang nasabing sakit.


Ayon kay WHO Director General Tedros Adhamon Ghebreyesus, ang naturang plano ay isasapubliko nila sa dalawang bahagi, pero nagdesisyon na sila na ilabas na lamang ito ng sabay.

Aniya, posibleng ilabas ang buong resulta ng pag-aaral sa March 15.

Dagdag pa ni Ghebreyesus, sabik na sabik na sila maibigay ang impormasyon patungkol dito.

Facebook Comments