RESURFACING | Pagkukumpuni sa Mactan Cebu International Airport, natapos na

Nakumpleto na ng Department of Transportation (DOTr) at Mactan Cebu International Airport Authority ang resurfacing ng nasabing paliparan.

Kabilang sa mga isinaayos ang 3420M X 60M overlay, pagpipintura sa lahat ng runway markings, pagpapalit sa 109 runway centerline lights at 33 rapid exit centerline lights.

Ayon kay Mactan Cebu International Airport Authority General Manager Steve Dicdican, umabot sa P255 milyon ang inilaang pondo para sa MCIA runway resurfacing project.


Matatandaang isinara ang paliparan sa loob ng 3 linggo o September 1-21 magmula ala una y medya ng madaling araw hanggang alas sais y medya ng umaga upang bigyang daan ang nasabing improvement sa Mactan Cebu International Airport.

Facebook Comments