Retiradong Pulis at BHW, Huli sa Aktong Pagsusugal

Cauayan City, Isabela- Huli ang 6 katao sa paglabag sa Physical Distancing at Iligal na Pagsusugal bandang 2:15 ng hapon kanina sa Brgy. District 3, Gamu, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Juanito Nalleb, 64-anyos, may-asawa, retired police; Jocelyn Ariola, 46-anyos, tindera, SAP beneficiary; Josie Paclibar, 46-anyos, may asawa, Baranga Health Worker at 4Ps Beneficiary; Rosita Medrano, 62-anyos, may-asawa; Imelda Dupaya, 56-anyos, tindera, SAP beneficiary; at Sol Preza Dupaya, 53-anyos at pawang mga residente ang lahat ng Brgy. District 3, Gamu, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon ng Gamu Police Station,nagsagawa ang pulisya ng Anti-Illegal Gambling Operation sa lugar at naaktuhan na naglalaro ng baraha partikular ang larong ‘tong-its’ at paglabag sa ipinatutupad na Physical Distancing.


Nakumpiska sa mga suspek ang per ana nagkakahalaga ng mahigit sa P1,000 at mga lamesa at upuan na ginamit sa iligal na pagsusugal.

Sasampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling ang mga suspek na nasa pangangalaga ngayon ng pulisya.

Facebook Comments