Retired COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, pasok sa P3PWD Party-list matapos tanggapin ng poll body ang kanyang entry

41

Makakaupo na bilang kinatawan ng P3PWD (Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities) Party-list si dating Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon.

Ito ay matapos aprubahan ng COMELEC ang nominasyon ni Guanzon bilang substitute sa mga naunang nominee.

Ayon kay COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, inaprubahan ng COMELEC ang sabay-sabay na pagbibitiw ng limang nominado na sina Grace Yeneza, Ira Paulo Pozon, Marianne Heidi Fullon, Peter Jonas David at Lily Grace Tiangco.


Inaprubahan din ng COMELEC ang substitution nina Guanzon, Rosalie Garcia, Cherrie Belmonte-Lim, Donnabel Tenorio at Rodolfo Villar Jr.

Ang P3PWD Party-list ay nakakuha lamang ng isang pwesto sa Kongreso.

Facebook Comments