RETIRED | Hollywood actor Robert Redford, nagretiro na sa showbiz

14

Hollywood – Ikinalungkot ng mga fans ng Hollywood actor na si Robert Redford ang ginawa nitong pag-anunisyo na siya ay magre-retiro na sa showbiz.

Ayon sa 81-anyos na si Redford, tinatapos na lamang niya ang huling pelikula at ito na ang hudyat ng kaniyang pagreretiro.

Bibida kasi siya sa pelikulang “The Old Man and the Gun” na ang kuwento ay tungkol sa isang kriminal na nakatakas.

Pero nilinaw ni Redford na tanging acting lamang siya magreretiro at magpo-focus na lamang siya ngayon sa pag-direct ng mga pelikula.

Matatandaan na ilan sa mga pinagbidahan pelikula ng aktor ay ang “Spy Game”, “The Candidate”, “Pete’s Dragon” at maraming iba pa.

Facebook Comments