Retired Teacher pinagnakawan sa mall sa Dagupan City, 2 suspek na babae arestado

Kulungan ang bagsak ng dalawang kababaihan matapos pagnakawan ng mga ito ang isang 80 anyos na retired teacher sa isang mall sa lungsod ng Dagupan.
Kinilala ang suspek na si Michaela Dela Cruz, 42 anyos, at Mirasol Dela Cruz, 37 anyos na residente ng Tarlac.
Naaktuhan umano ang mga ito na ninakaw ang wallet ni Josefina Allado, residente mg Pantal Manaoag Pangasinan na naglalaman ng 30, 000.
Ayon kay Collado , nasa grocery store ito ng mall ng macorner ng limang katao at tinangay ang kaniyang wallet.
Nakita ito ng guwardiya ng mall at inaresto ang dalawang suspek. Naipasa na rin sa iba nilang kasamahan ang wallet ng biktima na ngayon ay pinaghahanap na ng otoridad. ###

Facebook Comments