
Naharang ng mga tauhan ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) ang isang papaalis na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ito’y dahil sa pagdadala ng replika ng baril na paglabag sa Omnibus Election Code na may kaugnayan sa Comelec gun ban.
Ayon sa PNP-AVSEGROUP, ang lalaking pasahero ay 66-year old na lalaki at isang retiradong U.S. Navy Serviceman na residente sa Taguig City.
Nakatakdang sumakana sa isang domestic flight ang banyaga at siya ay na-flag ng mga tauhan ng screening officer ng paliparan dahil ang isang imahe na kahawig ng isang baril ay nakita sa ng x-ray screening ng kanyang brown balikbayan box.
Agad namang nagsagawa ng mano-manong inspeksyon ang mga awtoridad at natagpuan ang dalawang air gun nang walang mga kaukulang dokumento.