Reunion series nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, may go signal na

29

Kumpirmado na magaganap na reunion series ng aktor na si Daniel Padilla at aktres na si Kathryn Bernardo.

Sa interview ni Boy Abunda na pinamagatang ‘purple chair’, sinabi ni Daniel na pagtutuunan muna nila ang pagsasagawa ng series bago ang muling pagtatambal sa movie.


Hindi rin kasi aniya natuloy ang una dapat nilang movie ni Kath dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Ang pelikulang “The Hows of Us” noong 2018 ang huling palabas ng Kathniel.

Facebook Comments