REVELATION | First heartbreak ni Heart Evangelista bilang ina, ini-reveal ng aktres

49

Manila, Philippines – Ini-reveal kahapon ng aktres na si Heart Evangelista na kambal ang kanyang ipinagbubuntis.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Heart ang larawan ng sonogram kung saan makikita ang dalawang Embryo.

Pero sa kasamaang palad, hindi raw naging maganda ang development ng isa sa kambal.

Gayunman, kung may isang bagay man daw siyang natutunan sa pagiging ina, ito ay hindi lahat ng pagkakataon ay “Sunshine and Butterflies”.

Darating daw ang “cloudy moments” pero ang mahalaga ay mag-focus sa magagandang bagay na nangyayari.

Facebook Comments