Revised concession agreement sa pagitan ng Maynilad at gobyerno, nilagdaan na!

22

Nilagdaan na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at ng Maynilad Water Services Inc. ang bago nitong concession agreement.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng negosasyon sa pagitan ng gobyerno at water distributor dahil sa umano’y onerous provisions sa ilalim ng lumang kasunduan.


Kasama sa mga mahahalagang probisyong inalis ay ang charging o pagpapabalikat sa mga consumers ng kanilang corporate income tax.

Binawasan din ang contingent liabilities ng gobyerno at isinama ang pagbabalangkas ng framework para sa mas maayos na serbisyo sa publiko.

Marso naman nang naselyuhan ang kaparehong concession deal sa pagitan ng MWSS at Manila Water.

Facebook Comments