Revolutionary Tax mula sa mga Illegal Loggers, Nagsisilbing Supply ng mga NPA Ayon sa Militar!

264

*Cauayan City, Isabela- *Isa umano sa nagsisilbing supply ng mga New People’s Army (NPA) ay ang mga bayad o Revolutionary tax ng mga illegal loggers.

Ito ang inihayag ng mga kinatawan ng 502nd Brigade na si Sgt. Gilbert Tadiuan at si Sgt. Clifford Soriano ng Civil Military Operations (CMO) Battalion ng 5th Infantry Division sa RMN Cauayan na sila umano ang pangunahing kumokontrol sa mga iligalista na nagbibigay ng kanilang Revolutionary Tax sa mga rebelde.


Binabaliktad lamang umano ng mga NPA ang kanilang tunay na gawain na umano’y ang mga kasapi ng Task Force Kalikasan (TFK), DENR at LGU’s ang nakikinabang sa mga nasasabat na mga iligal na kahoy upang makuha ang simpatya ng mga mamamayan sa mga makakaliwang grupo.

Ayon sa mga militar, kung malilimitahan umano ang mga iligalista ay malilimitahan rin ang mga matatanggap ng mga NPA at wala rin umanong su-supply sa kanila para sa kanilang mga pangangailan.

Kaugnay nito ay hinihikayat ngayon ng militar ang lahat ng mga kasapi ng NPA na bumaba na lamang at sumuko sa gobyerno upang hindi na mailagay sa panganib ang kanilang buhay at mamuhay na rin ng payapa kasabay ng kanilang pagtamasa sa mga programang iniaalok ng pamahalaan.

Facebook Comments