REWARD | Mga pulis na makakapatay sa mga kapwa nilang dawit sa ilegal na droga, bibigyan ng pabuya

1153

Manila, Philippines – Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan niya ng reward ang pulis na makakapatay sa superior niya na sangkot sa ilegal na droga.

Sa cabinet meeting kagabi, sinabi ng Pangulo na tama lang ang pagpatay sa mga opisyal ng pulis na sangkot sa droga.

Bibigyan rin aniya niya ng reward ang mga pulis na nakapatay kay Police Superintendent Santiago Ylanan Rapiz, logistic officer ng Zamboanga del Norte Provincial Police Office na kasama sa kaniyang narco list.

Sabi pa ni Duterte, na batid niya na kapag bumaba siya sa pwesto ay may posibilidad na may mga maghihiganti sa kaniyang war against drug.

Pero hindi aniya niya uurungan ang mga ito.

Iginiit pa ng Pangulo na hindi na kailangan ng martial law dahil may solusyon na siya rito.

Facebook Comments