REWARD | Mga pulis na papatay ng mga ninja cops bibigyan ng aguinaldo

81

Bibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinumang pulis na makakapatay ng kanilang mga superior na sangkot sa iligal na droga.

Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte na bahagi ng kanyang pagsasalita sa lecture sa kanyang mga gabinete patungkol sa iligal na droga at sa militarisasyon sa Malacañang kagabi.

Ayon kay Pangulong Duterte, bibigyan niya ng tatlong milyong pisong reward at trip to Hong Kong na maaari ding i-convert sa cash ang sinumang pulis na makakapatay sa kanilang superior na ninja cop.

Pero sa harap nito ay sinabi ni Pangulong Duterte na hindi naman magpapahuli ang mga matatas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga tauhan dahil na rin sa kahihiyan at tiyak na manlalaban ang mga ito.

Kasunod nito ay sinabi ng Pangulo na gagantipalaan niya ang pulis na nakapatay sa isang police superintendent na sinasabing drug protector sa Dipolog City.

Facebook Comments