Reward money laban sa mga suspek sa pagpatay sa 2 bata sa San Jose del Monte, Bulacan, inilabas!

Nagbigay na ng patong sa ulo si San Jose del Monte City, Bulacan Mayor Arthur Robes para sa makapagtuturo sa responsable sa pagpatay sa dalawang bata sa nasabing lungsod.

Ayon kay Mayor Robes, P100,000 ang pabuya na kanilang ibibigay sa makapagbibigay ng kinaroroonan ng mga nasa likod ng karumal dumal na krimen.

Nitong hapon ng May 11 ay napansing nawawala ang mga biktima na walong taong gulang na lalaki at 11 taong gulang na babae.


Kinabukasan ng tanghali ay natagpuan ang mga biktima na duguan at wala nang buhay sa masukal na bahagi ng Barangay Graceville ng nabanggit na lungsod.

Hinala naman ng pulisya hinalay muna ang babae dahil ayon kay Police Major Julius Alvaro, hepe ng San Jose del Monte City PNP walang suot na pang ibaba ang biktima nang matagpuan.

May lead na rin anya sila sa kung sino ang suspek sa krimen.

Samantala, sasagutin naman ng lokal na pamahalaan ang gastusin sa burol at libing ng dalawang biktima.

Sinabi naman ni San Jose del Monte City Rep. Rida Robes na bagama’t nagpaabot na ng tulong ang kanyang mister na alkalde sa pamilya ng mga bata ay magbibigay pa rin ng tulong ang kanyang tanggapan sa mga ito.

Facebook Comments