Rewards at incentives para kay Hidilyn Diaz, bumuhos pa

91

Umaapaw ang mga biyaya at insentibong ipinapaabot kay Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz.

Narito ang kanyang mga matatanggap:


– 10 million pesos mula sa pamahalaan at gold Medal of Valor mula sa Philippines Sports Commission (PSC)
– 10 million pesos mula kay Manny V. Pangilinan
– 10 million pesos mula kay Ramon S. Ang
– 3 million pesos mula kay Deputy Speaker Mikey Romero
– 2.5 million pesos mula sa lokal na pamahalaan ng Zamboanga
– 1 million pesos mula sa League Provinces of the Philippines

Makakatanggap din si Hidilyn ng House & Lot sa Tagaytay mula kay Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino.

Isang condominium unit sa Eastwood City ang ibibigay ng Megaworld Corporation kay Diaz na nagkakahalaga ng ₱14 million.

Ang PHirst Park Homes Inc., na bahagi ng Century Properties ay magbibigay rin ng house & lot kay Pinay weightlifter na nagkakahalaga ng ₱4 million.



Lifetime na free fuel at 5 million cash incentive ang matatanggap ni Diaz mula kay Dennis Uy ng Phoenix Petroleum.

Bibigyan naman ng Philippine Airlines (PAL) si Diaz ng 80,000 miles per year for life si Diaz.


Mayroon din siyang van mula sa Foton.

Facebook Comments