RF-ID para sa mga concessionaire employees sa NAIA, planong ipatupad ng MIAA

Balak ng Manila International Airport Authority o MIAA na ipatupad na lamang ang RF-ID para sa concessionaire employees ng NAIA sa halip na access pass.

Ayon kay MIAA Acting General Manager Cesar Chiong, sa ganitong paraan ay maiiwasan na mapeke ang mga access pass na ginagamit ng mga sindikato sa human trafficking.

Iniimbestigahan na rin ng MIAA kung paano nakakuha ng monthly access pass ang mga biktima ng human trafficking dahil mahigpit ang proseso sa pag-iisyu nito.


Kinakailangan kasi ng endorsement letter mula sa MIAA bago maisyuhan ng access pass ang isang indibidwal at kailangan ding dumaan muna sa seminar.

Facebook Comments