Rhian Ramos, bibida sa isang international film

479

Showbiz – Itinuturing na ‘dream come true’ ng aktres na si Rhian Ramos ang pagkakasama niya sa isang action-drama film na ipapalabas sa ibang bansa.

Say ni Rhian, may mga kasama siyang international actors sa ginagawa niyang action drama movie na “Tapado”.

Iikot raw ang istorya sa isang martial arts champion na ipaglalaban ang kaniyang asawa at matalik na kaibigan.


Ilan sa mga makakasama ni Rhian ay mga international action stars tulad ni Sarah Chang mula China, Paul Allica mula Australia, at si Jingliang “The Leech,” top UFC contender ng China.

Kasama rin sina Ian Ignacio at Pinoy taekwondo master na si Monsour Del Rosario.

Facebook Comments