Rhian Ramos, sinagot na ang isyu na mayroon siyang eating disorder

96

Sinagot na ng aktres na si Rhian Ramos ang kumakalat na isyu na mayoon siyang eating disorder.

Ito ay matapos mapansin ng ilang netizens na tila mas payat pa si Rhian kaysa sa dati niyang pangangatawan.

Say ni Rhian, stress lang ang dahilan ng kaniyang pagpayat, taliwas sa sinasabi ng iba na may pinagdadaanan siyang eating disorder.

Aminado rin ang aktres na hindi siya nakakakain ng maayos sa gitna ng kaniyang trabaho dahil nililimitahan ang pagdadala ng pagkain sa taping.

Sa ngayon, abala si Rhian sa halos isang buwang lock-in taping ng pinagbibidahan niyang pelikula.

Facebook Comments