Richard Gutierrez, ano nga ba ang ibinigay na dream come true sa asawang si Sarah Lahbati?

55

Maituturing na dream come true para sa aktres na si Sarah Lahbati ang ibinigay na regalo sa kaniya ng husband na si Richard Gutierrez.

Ito ay matapos bisitahin ng dalawa kasama ang kanilang anak na sina Zion at Kai ang tourist destination ng sikat na South Korean drama na Crash Landing on You sa Switzerland.


Sa Instagram post ni Sarah, makikita ang kanilang mga kuhang litrato sa mga famous spot sa Lake Brienz sa Interlaken Town.

May caption pa nga ito na “sometimes the wrong train takes you to the right direction…”

Maituturing namang challenge para kay Sarah ang makahanap ng perpektong anggulo dahil ilang beses silang naligaw dahil sa ganda ng lugar.

Matatandaang nitong nakalipas na mga buwan, ilang tourist spot na rin ang binisita ng mag-asawa kabilang ang Pontresina, Sankt Moritz, Saas-Fee, at Lausanne.



Facebook Comments