Rider ng motorsiklo sumalpok sa truck sa Sual Pangasinan, patay

55

Namatay ang isang lalaki habang sugatab naman ang angkas nito matapos sumalpok sa isang truck sa Brgy. Caoayan Sual Pangasinan.
Nakilala ang namatay na si Renato Espino Jr. 27-taong gulang, drayber ng motorsiklo at sugatan naman ang angkas nito na si Reymark Bulatao, 22 -taong gulang.
Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Sual, binabagtas ng motorsiklo ang kakalsadahan ng naturang barangay na papunta sanang Bugallon Pangasinan nang mag-overtake ito at aksidenteng nasalpok sa kaliwang bahagi ng truck na papunta sanang Alaminos City.
Dahil dito natumba ang motorsiklo at nahulog ang si Espino at Bulatao.
Itinakbo sa ospital ang dalawa ngunit idineklarang dead on arrival si Espino.
Ang drayber ng truck na kinilalang si Marcleo Laranang II ay nasa kustodiya ng PNP Sual.
###

Facebook Comments

From Advertisers