Rider, sugatan sa banggaan ng motorsiklo at taxi sa Quezon City

24

Sugatan ang isang motorcycle rider matapos makabanggaan ang isang taxi sa Quezon Avenue bago makarating ng EDSA, Quezon City.

Sa report ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Metrobase, nagtamo ng mga minor injuries ang rider at taxi driver.


Nangako naman ang taxi driver na sasagutin ang pagpapagamot sa ospital ng rider.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng salpukan.

Nagdulot naman ng moderate traffic ang insidente, pero sa ngayon ayon sa MMDA, light to moderate traffic na ang nararanasan sa Quezon Avenue.

 

Facebook Comments