RIDING IN TANDEM| Isang pulis patay sa pamamaril sa South Cotabato

38

South Cotabato – Patay ang isang pulis matapos na pagbabarilin sa national highway, Purok Santa Lucia, Tupi, South Cotabato.

Kinilala ang biktima na si SPO4 Benedicto Gonzaga na residente ng Polomolok sa nasabing lalawigan.

Pauwi na sana ang biktima mula sa kaniyang duty sa Tupi Municipal Police Station nang sinundan ng hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklo kung saan agad itong pinagbabaril sa ulo.

Hindi naman matukoy ng mga otoridad ang motibo sa krimen kaya at patuloy ang isinasagawan nilang imbestigasyon hinggil sa insidente.

Facebook Comments