RIDING-IN-TANDEM SHOOTING INCIDENT | 77 na kaso, naitala ng NCRPO ngayong taon

Manila, Philippines – Nasa 77 kaso ng krimen na kinasasangkutan ng mga riding-in-tandem ang naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ngayong taon.

Pero sa kabuuang bilang, siyam pa lang ang nareresolba ng pulisya.

Ayon kay NCRPO director Chief Oscar Albayalde – karamihan sa mga insidenteng ito ay napatay ang biktima.


Sa kabila nito, hindi naman aniya nakakabahala ang mataas na bilang ng riding-in-tandem pero hindi rin naman daw nila ito pinababayaan.

Aminado si Albayalde na mahihirapan ang pulisya na tuluyang masawata ang mga shooting incident na kinasasangkutan ng mga riding-in-tandem dahil sa nagpapatuloy na problema sa loose firearms at illegal drugs.

Facebook Comments