Riding-in- tandem, target ng PNP

63

Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine National Police na ang riding-in-tandem na ang sunod nilang tututukan.

Sa isang ambush interview, sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na sisimulan na nilang tugisin sa lalong madaling panahon ang mga suspek na sangkot sa araw-araw na patayan sa mga lansangan sa bansa.

Partikular aniya ang mga suspek sa mga kaso ng riding-in-tandem na gabi-gabing kumikitil ng buhay ng tao.

Bukod sa riding-in-tandem, target rin ng PNP na paigtingin ang kanilang kampanya para tuluyang malinis sa mga ‘scalawag cops’ ang kanilang hanay.

Facebook Comments