RIDING IN TANDEM | Tindero ng buko, patay matapos pagbabarilin

25

Quezon City – Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng riding in tandem Sa Geronimo Street, Brgy. Sta. Monica sa Quezon City.
Nakilala ang nasawi na si Basilio Abordo, 53-anyos na isang tindero ng buko.
Kwento ng kapitbahay na si Arnel Dalandanan, inutusan siyang bumili ng yelo ng biktima dahil sa umiinom ito ng mag-isa sa likod ng Our Lady of Mercy Parish Church ng dumating ang mga suspek pawang mga naka-helmet saka siya pinagbabaril.
Sinasabing gumagamit umano ng iligal na droga ang biktima kung saan patuloy na inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo ng mga ito.

Facebook Comments