RIDO: 2 patay 2 sugatan sa pananambang sa Banisilan North Cotabato

40

Dalawang ang patay habang maswereteng nakaligtas ang apat na iba pangmyembro ng pamilya matapos paulanan ng bala sa Sitio Mapantao, Brgy.Malaganap Banisilan North Cotabato.Kinilala ng PNP Banislan ang dalawang nasawi na kapwa nagtamo ng tama saulo mula sa bala ng m16 sina Kalil Dalundong 40, at Lasco Dalundong 20.Habang sugatan sina Ato Dalundong, 27 , Bombolais Dalundong 26.Maswereteng di nahagip ng bala ang mga kasama nilang sina Meme Dalundong 30, at Samro Tindong.Sa initial investigation ng PNP, naglalakad ang mga nabanggit na indibidwalpatungo sa kanilang sakahan pasado alas otso kahapon ng umaga ng bigla nalamang paulan ng bala na di umanoy limang mga kalalakihan.Narecover sa crime scene at 43 empty shells at 3 live ammos ng M16.Lumalabas sa paunang imbestigasyon na maaring away pamilya ang dahilan ngpananambang.Nagpapatuloy ang hot pursuit kontra sa mga nanambang.Google Pic

Facebook Comments