RIDO muling sumiklab sa Brgy. Rebuken

38

Maswerteng nakaligtas sa tyak na kamatayan ang 3 indibidwal matapos paulanan ng bala mula sa ibat ibang kalibre ng baril sa bahagi ng Brgy Rebuken Sultan Kudarat Maguindanao pasado alas singko kahapon ng hapon.

Sa report na ipinarating sa RMN Cotabato SK MPS COP CIns Esmael Madin kinilala nito ang mga sakay ng KIA Sedan na may Plate # MCA 766 sina Datu Razul Denila, 26, gov’t employee, Princess Karen S. Mastor, 37, gov’t. Employee at Alma D. Abdulla, 35 mga residente ng Brgy Rebuken.
Narecover sa area ang mga bala ng M14, carbine rifle, cal 9mm,at cal .45. Bagaman nakaligtas sa ambush ang mga naging target ng pananambang, nahagip ng ligaw na bala ang isang menor de edad na nooy nagbibisikleta sa lugar.
Agad namang nagresponde ang SK PNP resulta sa pagkakaaresto ng isa sa di umanoy sangkot sa insidente at kasalukuyang nasa custody na nila.
Sinasabing away pamilya ang nasa likod ng pananambang ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, matatandaang noong enero lamang ng may naitalang magkasunod na ambush sa nabanggit pa ring lugar na nagresulta sa pagkakamatay ng isang brgy kagawad at ni Jimmy Soledad at pagkakasugat ng 2 iba pa.
Nakaalerto ngayon ang buong hanay ng SK PNP para maisigurong di na lumala pa ang sitwasyon sa lugar.

Facebook Comments