Right of way ng gobyerno, ipapagamit na sa mga telcos para mapaganda ang kanilang internet service

31

Binigyan na ng go signal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga telecommunication companies na magamit ang right of way ng gobyerno para mapaganda ang internet service sa bansa.

Bukod dito, pinadali na rin ng DPWH ang pag-apruba sa permit requirements mula sa mga telco.


Ayon kay National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba, malaking bagay ang nasabing hakbang ng DPWH para mapabilis ang internet na kailangan ng mga Pilipino lalo ngayon na may pandemya.

Welcome din ito para sa PLDT, Globe, Converge at Dito dahil mapapabilis din nito ang kanilang insfrastructure projects lalo na sa mga national road.

Facebook Comments