RIOT | Pito patay, 17 sugatan sa nangyaring riot sa Maximum Security Compound sa South Carolina, US

30

Amerika – Umabot sa pitong inmates ang namatay habang 17 sugatan sa nangyaring riot sa Maximum Security Prison sa South Carolina.

Nauwi sa gulo ang matinding alitan sa Lee Correctional Institution kung saan pinagsasaksak ang mga inmates gamit ang kutsilyo.

Nakontrol agad ng South Carolina Department of Corrections ang insidente at nagsagawa na ng imbestigasyon.

Facebook Comments