RITM, nilinaw ang evaluation protocol para sa COVID testing kits

45

Nilinaw ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na hindi sila nagpapatupad ng ‘pass or fail’ system sa pag-e-evaluate ng COVID-19 testing kits.

Ayon kay RITM Director Celia Carlos, hindi nila isinasapubliko ang resulta ng Standard Q COVID-19 Antigen Test ng SD Biosensor.


Ipinapadala nila ang resulta ng kanilang evaluation activities sa Food and Drug Administration (FDA).

Binigyang-diin ni Carlos na ang RITM ay nagbibigay ng summary ng evaluation results para COVID-19 PCR, extraction, antigen, at antibody test kits sa pamamagitan ng kanilang official website.

Nanindigan ang RITM na ang kanilang evaluation activities ay hindi nag-eendorso ng anumang kompanya, manufacturers, distributors, o brands para sa commercial purposes.

Facebook Comments