RITM, walang nakitang kontaminasyon sa RT-PCR swab test ng PRC na lumabas na false positive

83

Walang nakitang kontaminasyon ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa 45 RT-PCR swab test ng Philippine Red Cross (PRC) na umano’y lumabas na false positive.

Kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health (DOH) na imbestigahan ang umano’y “false positives” COVID-19 test matapos kwestyunin sa Kamara ang false positives results ng PRC sa Subic.

Ayon sa RITM, matapos ang kanilang pagsusuri sa methodology at proseso ng PRC sa pagkuha ng sample ay lumabas na tama at mapagkakatiwalaan ang nasabing resulta.


Nagpasalamat naman ang PRC dahil sa lumabas na ulat at patas na imbestigasyon ng RITM sa insidente.

Matatandaang batay sa ulat, aabot sa 44 sa kabuuang 49 ospital personnel ang nagpositibo sa COVID-19 ngunit nagnegatibo nang magpasuri sa ibang pasilidad.

Facebook Comments