Rizal Provincial Station, sinisilip kung may iba pang suspek sa nangyaring massacre sa Antipolo City

Humarap na sa media ang suspek sa pagpatay sa pitong indibidwal sa isang bakery sa Purok 1, Zone 8, Cupang, Antipolo City.

Umamin naman ang suspek na si Bogart Ramirez na away negosyo ang dahilan kaya niya napatay ang mga biktima.

Ayon pa sa kaniya, pinaghihinalaan niya ang pito na papatayin siya kaya inunahan na niya.

Nakakulong na ang suspek na mahaharap sa kasong multiple murder.

Tinitingnan ngayon ng provincial police office ang lahat ng anggulo, tulad ng posibilidad na may iba pang suspek sa pagpatay sa pitong indibidwal sa isang bakery sa Purok 1, Zone 8, Cupang, Antipolo City.

Ginawa ni Provincial Director PCol. Felipe Maraggun sa harap ng ilang katanungan,tulad ng kung paano niya napatay ang pito nang wala man lang galos at senyales ng struggle o panlalaban sa pinangyarihan ng krimen.

Inaalam din ng PNP kung natutulog ang mga biktima nang sila ay patayin.

Ilan sa mga biktima ay magkakatabi sa sala habang ang iba ay nasa kwarto.

Facebook Comments