RMN EXCLUSIVE: Number 1 drug lord ng Western Visayas na si Richard Prevendido at anak nito na si Jason Prevendido, patay sa operasyon ng mga pulis sa Jaro, Iloilo City kagabi

Iloilo, City – Patay na ang number 1 drug lord ng Western Visayas na si Richard Prevendido matapos barilin ng mga pulis na nagsilbi sa kanya ng warrant of arrest mga alas-nuwebe kagabi sa pinagtataguan nitong bahay sa Land Heights Subdivision Barangay Balabago, Jaro.

Sinabi ni IPPO Director Sr. Supt. Marlon Tayaba na joint operation ng IPPO, ICPO at Intelligence Unit ng PRO 6 ang pag-aresto sana kay Prevendido.

Sinabi nito na matagal na nilang hinahanap si Prevendido at maraming lugar na silang pinuntahan ngunit sa Balabago Jaro nila ito nabinggo at kagabi lamang nila ito natiyempuhan at sinilbihan ng warrant of arrest.


Kasama ni Richard Prevendido na napatay ang kanyang anak na si Jason Prevendido.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang AK47, dalawang 45 caliber pistol at pinaniniwalaang mga iligal na droga .

Si Prevendido ay may patong sa ulo na mahigit isang milyong peso at isa na ring national target ng PDEA at PNP.

Facebook Comments