RMN Foundation at Metro Bank Foundation namahagi ng mga personal hygiene kit sa Tanza, Cavite

27

Namahagi ang RMN Foundation Incorporated ng mga personal hygiene sa may 400 mag-aaral ng Amaya Elementary School sa Tanza, Cavite.

Ayon kay Jun Sidocon Principal ng Amaya Elementary School halos hindi maipinta ang mukha ng mga mag-aaral sa kasiyahan na kanilang natanggap mula sa RMN Foundation Inc.at Metro Bank Foundation ang mga personal hygiene kit gaya ng tooth brush,tooth paste,suklay at sabon.

Paliwanag ni Sidocon malaking tulong sa mga mag-aaral ang mga personal hygiene kit na ibinigay ng RMN Foundation at Metro Bank Foundation.
Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga mag aaral ng matanggap nila ang naturang mga personal hygiene na mula sa RMN Foundation Inc. at Metro Bank Foundation.

Facebook Comments