RMN Pagadian, biyahe na patungong iligan upang mamigay ng tulong sa mga evacuees

Pagadian, Philippines – Sa mga oras na ito mga kasama, nagbibibyahe tayo patungong Iligan City kasama ang tropa ng 1st Cavalry Mechanized Battalion ng Philippine Army upang maghatid ng tulong sa mga evacuees na kasalukuyang nanatili sa Barangay Buru-un sa lungsod ng Iligan.

Sa halos dalawang linggo, nakalikom ang RMN Pagadian ng mga relief goods mula sa ating mga tagapakinig na tumugon sa ating panawagan.

Katuwang ng RMN Pagadian sa pamimigay ng tulong ang lokal na pamahalaan sa lungsod ng Pagadian.
DZXL558, Kenneth Bustamante


Facebook Comments