ROAD ACCIDENT | 38 patay matapos mahulog ang isang bus sa Ethiopia

45

Ethiopia – Patay ang tatlumpu’t walong pasahero matapos mahulog ang isang bus sa bangin sa Amhara Region sa Ethiopia. Ayon sa state media na FANA Broadcasting System, ang mga nasawi ay pawang mga university students habang sampu naman ang malubhang nasugatan. Nahulog ang bus sa lalim na limang metro. Ang Ethiopia na may fastest growing economy sa buong rehiyon ng Africa pero, nananatiling malaking problema sa kanila ang poor driving standards at hindi maaayos na pagmimintena sa mga sasakyan sa naturang bansa. Ito ang dahilan kung bakit kabi-kabila ang nakamamatay na road accidents sa Ethiopia.

Facebook Comments