ROAD ACCIDENT | 6, sugatan nang araruhin ng kotse sa boundary ng Las Piñas at Muntinlupa

63

Sugatan ang anim na katao matapos araruhin ng isang kotse sa Daanghari Road sa boundary ng Las Piñas at Muntinlupa City kaninang umaga.

Sa inisyal na ulat, nag-aabang lang ng jeep sa gilid ng kalsada ang mga biktima nang mawalan ng kontrol ang paparating na Mitsubishi mirage.

Ayon kay Jason Clariño ng Muntinlupa City Rescue Team, isinugod sa ospital ng Muntinlupa ang mga biktima kung saan tatlo sa kanila ang kritikal.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga biktima pinakabata ay edad 20-anyos habang apat sa kanila ay magkakamag-anak.

Hawak na ng pulisya ang driver ng kotse.

Facebook Comments