ROAD ACCIDENT | Grade 2 student, patay matapos masagasaan sa Naga City

139

Naga City – Patay ang isang grade 2 student matapos masagasaan ng isang kotse sa Barangay Sta. Cruz, Naga City.

Sa kuha ng CCTV, makikitang patawid ang biktimang si Jeanna Margeoux Balintasayo nang may dumaang pedicab kaya bigla itong tumakbo hanggang sa nabundol ng paparating na itim na kotse.

Matapos mabundol, nasagasaan pa ng dalawang beses ang biktima.

Kuwento ng principal na si Juliet Peñalosa, bibili lamang si Balintasayo ng pagkain sa labas ng paaralan.

Aniya, mag-isa lang itong umalis ng classroom at tumakas pa sa guwardiya.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero namatay rin matapos ang isa’t kalahating oras.

Hawak na ng mga otoridad ang driver ng kotse na si Dionely Jacob Dematera na guro sa isang unibersidad at nangakong tutulong sa pagpapalibing sa biktima.

Facebook Comments