ROAD ACCIDENT | Isa patay, sampu sugatan sa aksidente sa Zamboanga del Norte

25

Zamboanga del Norte – Patay ang isang tao habang nasa 10 pa ang sugatan matapos maaksidente ang kanilang sinasakyan sa national highway ng Barangay Poblacion Bajo, Sergio Osmena sa Zamboanga del Norte.

Nagmula sa swimming sa Barangay Sinai, Sergio Osmeña ang sasakyang minamaneho ni Abelardo Corita Duran at pabalik na sana sa Pagadian City.

Pagsapit sa pakurbadang bahagi ng kalsada ay nawalan ng direksyon ang pagtakbo ng sasakyan hanggang mabangga sa road barrier at tuluyang nahulog sa mababang bahagi sa gilid ng kalsada.

Isinugod ang mga sugatan sa Sergio Osmena Municipal Hospital kung saan idineklarang dead on arrival ang biktimang si Cesar Uno.

Patuloy pa rin na iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing aksidente.

Facebook Comments