ROAD ACCIDENT | Isang taong gulang na sanggol, patay matapos masagasaan ng bus

58

Naga City – Patay ang isang taong gulang na sanggol matapos masagasaan ng bus sa national highway ng South Poblacion sa Naga City, Cebu.
Kinilala ang biktima na si Lemelfa Umayao habang ang driver ng Ceres Bus ay si Jay Bersero, 33-anyos.

Sa imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang biktima na minamaneho ng kanyang ina na si Maria Josefa Umayao kasama ang isa pang menor de edad nang mangyari ang aksidente.

Nag-overtake ang bus sa sinusundan nitong multicab at nang pa-kaliwa na ito ay nabangga ang mga biktima kung saan tumilapon ang tatlo dahilan para masagasaan naman ng bus ang nasawing sanggol.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga pulis ang driver ng bus at mahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple physical injury.

Facebook Comments